‘Asong may attitude’ nalulungkot dahil hindi pinapayagang lumabas?

Image by GD Boy the attitude dog via Facebook

  • Nag-trending si GD Boy dahil sa kanyang nakatutuwang awra
  • Pero sa ngayon, mukhang malungkot ang aso
  • Mataman itong nakatingin sa labas sa pamamagitan ng kanilang bintana

Naaalala mo pa ba ang asong si GD Boy at ang kanyang nakatutuwang awra? Ano na kaya ang kanyang ginagawa ngayong may kinakaharap tayong pagsubok? Uma-awra pa rin kaya?

Mukhang malungkot ngayon ang asong si GD Boy o Garbage Dog dahil sa mataman itong nakatingin sa labas sa pamamagitan ng kanilang bintana, batay sa post mula sa kanyang FB page.

May kapsyon pa ang update na “Kelan kaya makakagala ulit.”

Nagpapahiwatig na marahil ay hindi pinapayagan ng kanyang amo na lumabas ang aso dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine para maprotektahan ang mamamayan.

Nakilala si GD Boy dahil sa kanyang umaawrang larawan na nag-trending sa social media. Mayroon pa ngang gumawa ng mga meme at binansagan siyang “Paak na paak ka Ghurl?” o “Attitude ka Ghurl?”

Napag-alaman din na may magandang kuwento sa likod ng awra ng aso, ito pala ay ni-rescue ng kanyang kasalukuyang tagapag-alaga na si Alaniz Litao mula sa nakakaawang kalagayan at pilit na itinataboy ng mga tao.

 
Image by GD Boy the attitude dog via Facebook


Dahil sa maayos at mapagkalingang pagmamahal na ibinigay ng kanyang bagong amo, ang dating nakakaawang aso ay sosyal na — uma-attitude na!

Ngayong nasailalim ng ECQ ang buong Luzon, marahil hindi siya pinapayagang lumabas dahil na rin siguro sa mga ulat na may mga asong nagpositibo sa COVID-19.

Wala mang ebidensya na nagpapatunay na ang mga alagang aso ay maaaring panggalingan o magkasakit nito, inaabisuhan pa rin ang mga pet owner na panatilihin ang good hygiene practices para sa kanilang mga alaga.

Image by GD Boy the attitude dog via Facebook

Comments